Login
 Password
 
 
 



Ang Patnubay para sa Dayuhang Katulong at Pinaglilingkuran
 
Kabayaran sa Severance at Mahabang Paninilbihan 
中文版EnglishTagalogBahasa
May karapatan na magkaroon ng Kabayaran ng Severance (Pagkatapos ng Kontrata) ang Katulong kung pina-alis o ang kontratang may tiyak na pahahon ay hindi binago sa dahilang may kalabisan at mayroon nang hindi kukulangin sa 24 buwan na paninilbihan sa isang amo bagong pagkatapos. Ang bayaran ng Severance ay 1/3 ng 1 buwan na suweldo ng Katulong.

Kinakailangan magbayad ang Amo nang Kabayaran ng Mahabang Paninilbihan kung ang Katulong ay nagtrabaho nang tuloy-tuloy nang hindi kakulangan ng 5 taon at:

  • Pina-alis o ang kontratang may tiyak na pahahon ay hindi binago sa dahilang may kalabisan
  • Namatay habang sa paninilbihan
  • Pinapatunayan ang rehistradong doctor bilang permanenteng di-angkop- sa kasalukuyang trabaho at nagbitiw
  • May edad na 65 o higit sa edad ng nagbitiw

    Ang pormula ng pagkalkula ng Kabayaran ng Severance at Mahabang Paninilbihan ay:
    (Suweldo ng 1 buwan X 2/3) X bilang ng taon paninilbihan*
    * Hindi kumpleto na paninilbihan taon ay kailangan ibatay sa pro-ratang pagkalkula

    Ang Katulong ay walang karapatan sa parehong Kabayaran sa Matagal na Paninilbihan at Kabayaran ng Severance nang magkasabay.

    Proteksiyon sa Pagtatrabaho

    Ang Katulong ay maaring maghabol para sa remedyo sa walang katuwirang pagpa-alis sa mga sumusunod na pangyayari:

  • Nagtrabaho ang Katulong ang tuloy-tuloy nang hindi kukulanging 24 na buwan
  • Pina-alis ang Katulong maliban sa may pa-totoo na dahilang tiniyak sa Kautusan

    Sang-ayon ng Kautusan sa Pangagawa, ang limang may Bisa na Dahilan para sa pagpa-alis ng Katulong:

  • Asal ng Katulong
  • Kakayahan o katagian ng Katulong para gampanan ang kanyang trabaho
  • Kalabisa o ibang mga tunay na pangangailanga sa operasyon ng Amo
  • Mga pangangailangang sang-ayon sa batas
  • Ibang mga Mahalagang Dahilan

    Ang mga dahilan na pagpapa-alis na labag sa batas ay:

  • Pagpa-alis ng Nagdadalang-Tao na Katulong
  • Pagpa-alis ng Katulong habang nasa panahonng Bayad na Bakasyon dahil sa pagkakasakit
  • Pagpa-alis ng Katulong sa dahilang ay nagbibgay ng katibayan o inpormasyon sa ano mang pagsisiyasat na may kaunay sa pagpapatupad sa batas ng paggawa, aksidenteng pang-industriyal o paglabag sa regulasyon sa pangkaligtasan sa trabaho.
  • Pagpa-alis ng Katulong dahil sa pakiki-anib sa Trade Union at mga Gawain nito
  • Pagpa-alis ng nasugatang Katulong bago ang kinaukulang panig ay pumasok sa kasunduan para sa pagbayad sa Katulong o bago ang pagbigay ng "Certificate of Assessment"

    Libreng Pamasahe at Panggastos ng Katulong

    Sa pagkatapos at pagwakas ng Kontrata, kailangan ibigay ng Amo ng libreng pamasahe, pang-araw-araw na pagkain at panggastos sa paglalakbay para sa pag-uwi ng Katulong sa pinangalingan na Bansa.




    Home
    | Terms of Use | About Us | Contact Us
    Copyright © 2006 maid.hk. All Rights Reserved.
    Powered by EmployEasy Limited.
    1416