Login
 Password
 
 
 



Ang Patnubay para sa Dayuhang Katulong at Pinaglilingkuran
 
Pagbabayad at Pag-aawas ng Suweldo 
中文版EnglishTagalogBahasa

Alinsunod sa Kontrata ng Pangtatrabaho, ang Pinaglilingkuran ang mananagot sa mga magastos ng Katulong sa paghanda ng mga dokumento upang kumuha ng Bisa para mag-trabaho sa Hong Kong.

Ang mga Bayaran ng Katulong:

  • Sapiliting Seguro (Mandatory Insurance)
  • Bayagd sa Patingin ng Doktor
  • Bayad sa Pagpanotaryo
  • Bayad sa Bisa
  • Bayad sa Philippines Overseas Employment Administration (Para sa mga Filipino lang)

    Pinapayuhan na bayaran agad ng Pinaglilingkuran ang Katulong nang matanggap ang mga resibo ng bayad at ipalagda sa Katulong na natanggap ang bayad sa Resibo ng Bayad at iwanan ng kopya.

    Kapag ang Katulong ay inupahan sa pamamagitan ng Employment Agency, kailangan tanong sa Ahensiya kung ang bayad sa Ahensiya ay kasama ng mga bayad ng dokumento at ikuha ang mga resibo ito.

    Gastos ng Pagbago ng Kontrata

    Ang bayaran ng pagbago ng Kontrata ay kailangan bayaran ng pinaglilingkuran (Amo):

  • Bayad sa pagpanotaryo ng kontrata (kolekta ng Konsulado)
  • Bayad para sa Departamento ng Imigrasyon
  • Ang imga ginastos ng Kautong sa pagbabago ng Kontrata

    Sweldo ng Katulong

    Noon Mayo 19, 2005, nag-abiso ang Goberyo ng Hong Kong na ang sweldo ng Katulong ngayon ay HK$3,320.00.

    Isang mabigat na kasalanan para sa Pinaglilingkuran na magpasuweldo ng kulang sa Katulong, ang multa ito ay HK$200,000.00 at 1 taon ng pagkabilango.

    Pinapayuhan na bayaran ang Katulong sa paraan ng Tseke at sa pagpasok sa account ng bangko at bigyan ng Resibo ng Suweldo. Kailangan pirmahan ng Katulong ang resibo sa natanggap na suweldo.

    Kailangan bayaran ng Pinaglilingkuran ang Katulong bawat buwan.

    Pag-aawas ng Suweldo

    Ang Amo ay maaring mag-awas para sa mga napinsala o nawala na bagay o ari-arian na maliwanag na gawa ng Katulong, ang kabuuang iaawas na halaga batay sa limitasyon na HK$300.00. Ang kabuuan ng pag-awas ay hindi lalagpas ng 1/4 ng bahagi ng suweldo ng katulong sa isang buwan.

    Maaring lamang mag-awas ng suweldo ang Amo sa Katulong sa mga sumusunod na pangyayari:

  • Lumiban ang Katulong sa kanyang Trabaho
  • Kumuha ang Katulong ng pauna o labis sa suweldo
  • Umutang ang Katulong sa Amo ng pera
  • Pag-aawas na kinakailangan o nagbibibay ng kapahintulutan na nasa ano mang batas na gagawin galing sa suweldo ng katulong

    Simula sa Oktubre 01, 2003, kailangan bumayad ng Employees Retraining Levy ang pinaglilingkuran sa Hong Kong Imigrasyon. Ano mang kalagayan na hindi maari bawasan ng Amo ang sweldo ng katulong para sa bayad ng Levy.




  • Home
    | Terms of Use | About Us | Contact Us
    Copyright © 2006 maid.hk. All Rights Reserved.
    Powered by EmployEasy Limited.
    1478